Saying goodbye to CREAMLINE ๐Ÿ˜” ERICA STAUNTON! Coming back to AMERICA! GRAND SLAM CHAMP!

Saying goodbye to CREAMLINE ๐Ÿ˜” ERICA STAUNTON! Coming back to AMERICA! GRAND SLAM CHAMP!

.

.

.

Full video:

Erica Staunton nagliyab sa Creamline

IPINADAMA ni Creamline import Erica Staunton ang kakayanan na maibibigay sa Cool Smashers matapos nito bitbitin sa apat na set na panalo ang koponam 24-26, 25-23, 25-21, 25-16 laban sa Farm Fresh Foxies sa third and final game ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference eliminations sa PhilSports Arena sa City of Pasig, Sabado ng gabi.

Itinala ni Staunton ang kabuuang 26 puntos mula sa 23 attacks at 2 blocks na may kasamang 14 excellent receptions upang ibalik ang Cool Smashers sa pagwawagi na may 1-1 panalo-talong record.

โ€œI think it was a pretty good game for us. I need a lot of adjustment and it was a good win for us,โ€ sabi ni Stuanton.

Tumulong naman si Michelle Gumaabo na may 21 puntos upang punuan ang pagkawala nina Jessica Margaret Galanza at Diana Mae โ€œTotsโ€ Carlos.

Nagawang umahon ng Cool Smashers sa unang set na pagkakaiwan, 24-26, bago winalis ang sumunod na tatlong set upang makabawi sa kanilang masaklap na limang set na kabiguan sa unang laban.
Ibinuhos ng Creamline ang anim na sunod na puntos sa ikatlong set matapos maghabol sa kalahatian para makuha ang 2-1 set na abante.

Tuluyan nang nag-init ang Cool Smashers sa ikaapat na set sa pagbuhos ng 7-2 bomba na nagawa pa nitong iangat sa 20-8 iskor patungo na sa pagsungkit sa una nitong panalo.

Nagtala naman si Farm Fresh import Yeny Murillo ng 26 puntos para sa Thunderbelles na nalasap ang ikalawa ntiong sunod na kabiguan at maiwanan sa huling puwesto. (Lito Oredo)

Related Posts

Our Privacy policy

https://celebtoday24.com - © 2025 News