GANTIHAN Lang, Walang PIKUNAN! TALO ANG PIKON! PVL REVENGE MOMENTS!

GANTIHAN Lang, Walang PIKUNAN! TALO ANG PIKON! PVL REVENGE MOMENTS!

.

.

.

Full video:

Valdez tutok sa SEA Games
Valdez tutok sa SEA Games

Si Alyssa Valdez kasama ang ka-teammate na si Ced Domingo.

MANILA, Philippines — Gigil nang makabalik sa court si Creamline team captain Alyssa Valdez na kasalukuyang nagpapaga­ling sa kanyang injury sa tuhod.

Personal na nasaksihan ni Valdez ang matamis na tagumpay ng Cool Sma­shers nang angkinin nito ang Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference matapos ta­lunin ang Petro Gazz.

Kaya naman mas lalo nangangati ang paa ni Valdez na makabalik sa porma.

Isa sa target ni Valdez ang masilayan sa aksyon sa 32nd Southeast Asian Games na idaraos sa Cambodia sa Mayo 5 hanggang 17.

Kung mapapasama si Valdez sa national team na sasabak sa Cambodia SEA Games, ito na ang ikalimang sunod na pagkakataon na makalalaro ito sa naturang biennial meet.

Nakasalalay ang lahat sa magiging rekomendasyon ng mga doktor at physical therapist na humahawak sa rekord ni Valdez.

“I’m getting closer to full recovery. Hopefully, I’m really close. My doctors, PTs, and coaches also really want me back 100 percent so I really have to be patient and trust the process,” ani Valdez.

Masaya si Valdez sa tuwing tinatawag ito para sa national team.

Sa katunayan, isa ito sa mga napili para maging miyembro ng national pool sa Cambodia SEA Games.

Kaya naman handa itong gawin ang lahat para makatulong sa kampanya ng Pinay Spikers sa SEA Games.

“There’s always a chance of me playing in the SEA Games and even if it’s small, I’ll grab it to help the national team in whatever way possible. If I get called and if I’m ready to go, I’ll be there for the team,” ani Valdez.

Makakasama ni Valdez sa national pool ang teammates nitong sina Jia De Guzman, Tots Carlos,  Jema Galanza, Michele Gumabao, Celine Domingo at Kyla Atienza.

Pakay ng Pilipinas na makabalik sa podium sa SEA Games.

Huli itong nagkamit ng medalya noong 2005 edisyon ng SEA Games na ginanap sa Bacolod City.

Related Posts

Our Privacy policy

https://celebtoday24.com - © 2025 News