Ganito Ka-HIRAP KALABAN si Jia Morado-De Guzman! SUMUKO mga BLOCKERS ng MALAYSIA!!

.

.

.

Full video:

Jia Morado De Guzman iiwanan Creamline para maglaro sa Japan

julia

DADALHIN ng isa sa pinakamahusay na playmaker ng bansa na si Jia Morado De Guzman ang kanyang kahusayan sa pagmamando sa loob ng taraflex court sa koponan ng Denso Airybees sa first division ng Japan V.League.

Pormal na inanunsiyo ng Creamline Cool Smashers ang pagbibigay-daan sa setter na mula sa Ateneo De Manila University Blue Eagles.

“To say the least, our hearts are brimming with pride and excitement for Jia as she embarks on the incredible journey to play for Denso Airybees,” ayon sa statement na inilabas ng Creamline.

“While we’ll undoubtedly miss her presence on the court, we wholeheartedly support her decision to pursue this unique opportunity. These next few months will mark a temporary separation, but they’ll also be a testament to our unwavering commitment to the team and our players’ overall development.”

Pansamantalang lilisanin ng eight-time Best Setter at four-time Finals MVP ng Premier Volleyball League (PVL) upang maging panibagong Pinoy volleyball player na sasabak bilang Asian import sa V.League.

Nasa Japan din si Jaja Santiago ng JT Marvelous, habang minsan ring naglaro sa V.League sina Dindin Santiago-Manabat sa Toray Arrows at Kurobe AquaFairies.

“The court will not be the same without her, but we’re confident that her journey will inspire us all,” ayon sa naturang statement, kung saan naglabas na rin ng pagbati at good vibes ang koponan sa kanilang Instagram account. “Sa nag-iisang JIA, as you begin a new chapter in Japan, we send you love and good vibes. We are always proud of you, and will always have your back, Ate Jia! Looking forward to seeing your Pambansang Good Vibe moves on the court!” ayon pa sa post ng team.

Sa isa namang lumabas na report ng isang website ay naimbitahan na umano ang 28-anyos na playmaker ng Denso mula sa isang ahente bago pa magsimula ang 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia.

Inamin ni Morado na hindi habang buhay ang paglalaro ng volleyball, kaya sinunggaban na nito ang pagkakataon na tanggapin ang alok na tuparin ang matagal ng pangarap na maging import sa ibang bansa.

Related Posts

Our Privacy policy

https://celebtoday24.com - © 2024 News