CREAMLINE IS THE MOST HATED TEAM IN THE PVL! WHY?
Pansin ko lang na sa lahat ng teams sa PVL, yung Creamline ang may pinakamaraming haters and bashers. Tapos narealize ko, ‘Ah, successful kasi sila.’ May mga tao nga naman talagang nagagalit kapag may nakikitang successful. Creamline is the most successful team in the PVL with 8 championships.
Yung iba, sinasabi na lang na kaya nagchampion yung Creamline kasi madadaya sila. Wala na ba kayong ibang sasabihin, like ‘Eh kasi hindi ginalingan nung kalaban nila, eh di sana iba naman ang nagchampion.’ Ang nakakatawa pa eh hindi yung referee ang binabash nila. Hindi nila nakikita ang effort ng Creamline para lang makipagsapalaran kada puntos. Sa 8 championships na nakuha nila, pwede namang “Ah, magaling lang talaga sila” kaya sila ang nasa taas. At hello, 3 times na nagawa ng Creamline na i-sweep ang Conference: 2019 Open Conference, 2022 Open Conference, and 2023 Second All-Filipino Conference. A little credit won’t hurt you, right?
Ang nakakatuwa sa Creamline, after all of their achievements, they remained humble. Well, one thing’s for sure – Creamline is the most hated team in the PVL, but they are also the most loved.