.

.

.

Full video:

Bernadeth Pons, Erica Staunton hinatak ang Creamline sa Last 4

Mga laro sa Huwebes

(PhilSports Arena, Paig)

4 p.m. – PLDT vs Akari

6 p.m. – Creamline vs Cignal

Nagsanig ng puwersa sina Bernadeth Pons Erica May Staunton at Bernadette para pag-empakihin ng Creamline ang Petro Gazz, 25-23, 25-19, 25-18, at tumapak sa Last 4 ng 8th Premier Volleyball League 2024 Reinforced Conference sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan nitong Martes ng gabi.

Nagtala si Staunton ng 19 points mula sa 16 attacks at 3 blocks habang pumuntos si Pons ng 16 mula sa 15 spike at 1 ace upang okupahan ang ikaapat at huling silya sa next round, nagbabadya sa ikalawang sunod na titulo.

“Malayo pa po ang labanan, pero masayang-masaya kaming lahat dahil nasa semifinals na kami kahit na marami sa amin ang hindi nakakalaro,” bulalas ng dating miyembro ng national beach volley team.

Hinirit naman ni Staunton, “Well, I feel so amazing with this win especially this is just my first time playing internationally.”

Hindi hinayaan ng pumangatlo sa eliminations na Cool Smashers sa tatlong set na makahawak ng abante ang No. 6 na Angels kung saan tanging sa unang set lang naging mahigpit ang do-or-die quarterfinals game.

Makakaharap ng All-Filipino Conference champion Creamline sa knockout semifinals ang Cignal HD Spikers.

Tuluyan namang nabitiwan ng back-to-back champion Petro Gazz ang korona. (Lito Oredo)