ALAS PILIPINAS NAG HAHANDA NA ULIT PARA SA KANILANG INTERNATIONAL GAMES TOTS ALYSSA PONS INN?

.

.

.

Full video:

Jema Galanza, Tots Carlos isasahog sa Alas Pilipinas

Jema Galanza

DINAGDAGAN pa ng lakas ang Alas Pilipinas women squad na umabot na sa kabuuang 19 na manlalaro sa pagsama sa mga beteranong sina Jessica Margarett “Jema” Galanza at Diana Mae “Tots” Carlos.

Ito ay kinumpirma ng bagong pumirmang mentor ng Alas women head coach na si Jorge Souza de Brito kung saan makakasama ng dalawang manlalaro ng Cool Smashers sa squad ang dati nitong kakampi at kasalukuyanmg team captain na si Julia Melissa ‘Jia’ Morado De Guzman.

Sina Carlos at Galanza ay kabilang sa mga unang manlalaro na inimbitahan sa Alas pool para sa 2024 AVC Challenge Cup. Parehong tumanggi ang dalawa dahil sa matagal nang nakaplanong celebratory trip sa Spain para sa mga bagong nakoronahan na PVL champions.

Umaasa si de Brito na ang pagdagdag kina Galanza at Carlos bilang pinakabagong miyembro sa women’s volleyball national team ay makakatulong sa nalalapit nitong pagkampanya sa FIVB Volleyball Women’s Challenger Cup na gaganappin simula Hulyo 4 hanggang 7 sa Ninoy Aquino Stadium.

Asam ng Alas Pilipinas ang pangmatagalang pananaw na kailangang mabuo ang isang champion-caliber squad na mula sa pinakamahuhusay na manlalaro mula sa Premier Volleyball League (PVL).

Dati nang naglaro sina Carlos at Galanza para sa pambansang koponan nang mapili ang Creamline na kumatawan sa Pilipinas sa 2022 AVC Challenge Cup kung saan nagtapos sila sa ikaanim na puwesto sa siyam na bansang liga.

Bitbit din nila ang makulay na paglalaro sa Cool Smashers kung saan si Carlos ay limang beses na kampeon sa PVL kasama ang Creamline, at may tatlong conference MVP, apat na Best Opposite Spiker nods, isang Best Outside Hitter plum at isang dating Finals MVP.

Bilang isa sa tatlong natitirang pioneer mula sa orihinal na 2017 roster kasama sina Alyssa Valdez at Pau Soriano, si Galanza ay may walong titulo sa PVL, limang Best Outside Hitter awards, isang Conference MVP at isang Finals MVP na tumango sa kanyang pangalan. (Lito Oredo)

Related Posts

Our Privacy policy

https://celebtoday24.com - © 2025 News