Tuloy ang rebuilding! Jackson Corpuz pinakawalan ng Magnolia
Jackson Corpuz

TULOY ang rebuilding ng Magnolia bago ang siklab ng PBA Season 49 Governors Cup, pagkatapos nina Jio Jalalon at Abu Tratter, si Jackson Corpuz ang isinunod na pinakawalan ng Hotshots.

Sa kabilang banda, pinapirma naman ng team si forward Joseph Eriobu ng one-year contract extension, hindi na makikita sa Hotshots ang paiba-ibang kulay ng buhok ng makulit na forward na nagbigay sa kanya ng monicker na ‘Pinoy Fukuda’ mula sa Slam Dunk anime.

Undrafted noong 2014 si Corpuz mula PCU, kinuha ng Terrafirma (dating Mahindra noong 2017) bago trinade sa Magnolia noong 2020 para kay Aldrech Ramos, nitong Season 48, naka-siyam na laro lang ang 35-anyos na tubong Ilagan, Isabela.

Ipinamigay ng Hotshots sina Jalalon at Tratter sa NorthPort kapalit ni sophomore big Zav Lucero, noong 2024 PBA draft, kinuha nila si Jerom Lastimosa sa first round at pinapirma si rookie free agent Peter Alfaro.