SORRY CREAMLINE! Rocco Nacino HUMINGI ng TAWAD sa CCS FANS! “CHEAT NOT CHEAP!” STOP BASH!
.

.

.

Full video:

Rocco Nacino, na-scam sa pag-ibig!

Bumisita ang The Missing Husband actor na si Rocco Nacino sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, September 25.

Sa kanyang interview kay King of Talk Boy Abunda, ibinahagi ni Rocco na na-scam na rin siya sa totoong buhay katulad ng kanyang karakter sa serye na si Anton. Ngunit hindi lang sa investment na-scam ang aktor dahil, ayon sa kanya, na-scam na rin siya maging sa pag-ibig.

Alamin kung paano na-scam si Rocco sa pag-ibig at kung ano ang ginawa niya tungkol dito sa gallery na ito:

Umpisa ng scam

Aminado si Rocco na may ilang mga balita na hindi siya umano makuntento sa iisang babae. Pero nilinaw ng aktor na may backstory ito at inilahad niya sa niya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Photo by: nacinorocco/IG

Na-scam si Rocco

Ayon sa ‘The Missing Husband’ actor, niloko siya ng naging unang naka-relasyon niya noon. Pag-alala niya, “Na-scam ako dahil kaibigan ko pala ang jinowa niya.”

 

Photo by: nacinorocco/IG

Defense Mechanism

Ayon kay Rocco, naging defense mechanism niya ang pambababae kaya noong college ay iba-iba ang naging girlfriend niya.

 

Heartbreaker

Inamin ni Rocco na naging heart-breaker siya noon dahil sa naranasan niya ring heartbreak.

Photo by: nacinorocco/IG

Insecurity

Sumang-ayon si Rocco sa pahayag ni Tito Boy na maaaring insecurity ito ni Rocco kaya niya nagawa ang mga bagay na iyon.

It was wrong

Inamin din naman ni Rocco na mali ang ginawa niyang iyon. Dagdag pa ng aktor, “For many many years, akala ko po, ‘Ah, ganun dapat ‘yun.'”

source: nacinorocco/IG

Photo by: nacinorocco/IG

Staying single

Kuwento ng aktor, nagbago ang perspektibo niya noong maging single siya for two years. Inamin din niya na iyon na ang pinakamatagal na panahong naging single siya.

Loving yourself

Ayon kay Rocco, natutunan niyang mahalin ang sarili at ma-appreciate ang love. Dagdag pa nito, “Na-appreciate ko… This is how it’s like to really love.”

Photo by: nacinorocco/IG

Loving husband and father

Ngayon ay may asawa at anak na si Rocco, sina Melissa Gohing, at baby boy Ezren. Dahil sa kanila, sabi ni aktor, nagbago ang kanyang priorities.

“Mas praktikal ako, mas safe ang mga galawan ko ngayon kumpara noong pano ako dati very aggressive ako. Ngayon, talagang ‘ano ang gagawin ko para ma-secure ‘yung future ng anak ko, ng pamilya ko?”

Dad tips

Ikinuwento rin ni Rocco kung paano nakatulong ang mga kapwa niya celebrity dads na sina Carlo Gonzalez at Dingdong Dantes sa pamamagitan ng pagbibigay ng tips tungkol sa pagiging isang ama.