VIDEO: DAPAT BANG MABAHALA ANG PVL SA ISYU NI ALYSSA VALDEZ AT DEANNA WONG? PANOORIN! #viral #pvl #valdez

SHOULD PVL BE CONCERNED WITH THE ISSUE OF ALYSSA VALDEZ AND DEANNA WONG? WATCH!

.

.

.

Full video:

Wala sa kalingkingan ni Phenom: Alyssa Valdez mas sikat, magaling kay Deanna Wong

abante--valdez

MALAYONG-MALAYO sa karakter ni Alyssa ‘The Phenom’ Valdez ang pag-uugali ni Deanna Wong, ayon sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Ang pagkumparahin si Valdez at Wong ang siyang naging paksa sa programa si Fermin sa One PH kamakailan.

Ito ay bunsod ng kontrobersiyal na pang-iisnab umano nina Deanna at ng kanyang mga kakampi sa koponang Choco Mucho Flying Titans sa kanilang mga tagasubaybay sa Boracay habang pasakay ng kanilang team bus.

Sa nag-viral na video, makikitang hindi man lamang pinansin ng mga manlalaro ng Choco Mucho, kasama na si Wong, ang mga tagahanga na nag-abang sa kanilang pagpunta sa nasabing lugar.

“Ako talaga, hindi ko tuloy maiwasan na hindi ikumpara siya sa mas matagumpay at mas magaling na si Alyssa Valdez ‘di ba (kaysa kay Deanna Wong)?” ani Fermin.

Ayon sa batikang showbiz kolumnista, kahit na ano’ ng pagod umano ni Valdez sa kanyang paglalaro ng volleyball, hindi pa rin ito nakakalimot na magbigay ng respeto sa kanyang mga tagahanga.

“Si Alyssa po, grabe, kahit ano’ng mangyari, kahit pagod na pagod na, kahit masakit na ang tuhod at braso sa kapapalo ng bola. Hindi po siya nawawalan talaga ng respeto at pagmamahal sa mga tagahanga,” aniya.

Umani ng batikos ang naturang pang-iisnab nila Wong sa mga tagahanga, na nagkaroon din ng negatibong reaksiyon buhat sa mga kilalang personalidad, gaya ni Kim Atienza o mas kilalang si “Kuya Kim”.

Ayon kay Atienza, bilang mga public figure, kailangan na magpakita ng kanilang magandang pag-uugali ang mga atletang gaya nila Wong at kahit na sinuman na kilalang personalidad, lalo pa nga at ang volleyball ay sadyang maraming tagasubaybay.

“As public personalities, (yes athletes are also public figures) we have a choice to inspire and show gratitude to fans who passionately support us or we can choose to stay private and give them the cold shoulder,” ani Atienza.

Ngunit dinepensahan naman ng management ng Choco Mucho ang naging pag-uugali ng mga manlalaro nito sa nasabing Boracay video.

Ayon sa management, hindi umano naibahagi ng buo ang nasabing video at wala ang kuha kung saan ay nakikipagkuwentuhan at nagpapalitrato ang mga player ng Titans sa kanilang mga tagahanga sa Boracay.

“Unfortunately, what is not included in the viral clip are other videos online showing the players acknowledging and talking to fans, and accommodating selfies and videos with them while trying to have their break,” ayon sa ipinalabas na pahayag ng Choco Mucho. (Annie Abad)

Related Posts

Our Privacy policy

https://celebtoday24.com - © 2025 News