.
.
.
Full video:
Erica Staunton, Creamline kinubra 3rd straight victory
Mga laro sa Martes: (PhilSports Arena)
1:00pm – Akari vs Cignal
5:00pm – Choco Mucho vs PetroGazz
IBINAGSAK ni Erica Mae Staunton ang personal high nitong 29 puntos upang tulungan ang Creamline Cool Smashers na tibagin ang isa sa pinakamahirap na pagsubok sa Galeries Tower Highrisers, 27-25, 26-28, 29-27, 25-19, upang umakyat sa Pool A ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference, Sabado, sa PhilSports Arena.
Ibinuhos ni Staunton ang kabuuang 25 attacks, 3 blocks at 1 ace upang sandigan ng Cool Smashaers sa pangatlong sunod nitong panalo matapos na mabigo sa pinakauna nitong laro at kapitan ang isa sa kinakailangan na unang tatlong silya para sa susunod na labanan.
“Honesty, our coaches told us to stay aggressive, their (Galeries) defense is so good. Nothing special but our will to win,” sabi ni Staunton na pinasalamatan din ang mga tagasuporta ng Cool Smashers. “It was so awesome, the crowd is so good. We don’t have moment where we can relax, it was super, super close.”
Nalampasan ni Staunton sa kanyang 29 puntos ang dating mataas nitong 26 na iskor laban sa Farm Fresh Foxies.
Tumulong naman si Bernadeth Pons na naghatid ng 26 puntos habang nagdagdag si Michele Gumabao ng siyam na marka at nag-ambag ng karagdagang 21 puntos ang pinagsamang pagsisikap nina Risa Sato, Lorie Bernardo, Bea de Leon, Pau Soriano at Kyle Negrito.
Umangat ang Creamline sa 3-1, palapit sa isang puwesto sa Top 3 patungo sa crossover phase habang ang Galeries Tower ay bumagsak sa ikaapat na sunod na pagkatalo sa Pool A play. (Lito Oredo)