.
.
.
Full video:
Alyssa Valdez, determinadong mabilis na makarekober mula sa injury upang pangunahan ang PH Team sa SEA Games
Alyssa Valdez, determinadong mabilis na makarekober mula sa injury upang pangunahan ang PH Team sa SEA Games
DETERMINADO ang volleyball superstar at phenom na si Alyssa Valdez na mabilis na makarekober mula sa knee injury nito upang maging team captain ng Philippine Women’s Volleyball Team na sasabak sa Southeast Asian Games sa Cambodia.
Bagaman ikinatuwa ni Valdez ang pagkakatalaga sa kaniya bilang team captain, sinabi ng multi-titled athlete na nakatuon muna ang kaniyang atensiyon sa kaniyang recovery upang maging 100% ready para sa bansa.
Ani Valdez, ayaw niyang sumabak sa SEA Games nang hindi 100% na handa.
Kaya naman isa rin sa kaniyang motibasyon ang pagkakatalaga bilang team captain ng national team.
Matatandaan na hindi nakapaglaro si Valdez para sa Creamline Cool Smasher sa PVL All-Filipino Conference dahil sa knee injury nito at hindi aniya siya nababahala sa pagiging leader ng team dahil ang ilan sa kaniyang teammates para sa SEA Games ay may leadership experience na rin.