Hopeful si Phenom Alyssa na makakalaro sa AFC at sabi nya think before we click to avoid fake news

.

.

.

Full video:

Alyssa Valdez dehins patay! Cool Smashers kakasuhan nagpapakalat ng fake news

Alyssa Valdez

NAKAHANDA ang pamunuan ng Creamline Cool Smashers na magsampa ng kaukulang reklamo hinggil sa nag-post sa social media at nagpapakalat na pumanaw na ang beterano at isa sa pinakauna nitong miyembro sa koponan na si Alyssa Valdez.

Inihayag mismo ng Creamline manager na si Alan Acero ang kanyang pagnanais na imbestigahan ang nasabing post na nagbabalita sa pagpanaw umano ng tinaguriang “Phenom” na si Valdez noong Setyembre 14 na may kasama pa na litrato at araw ng pagkapanganak at pagpanaw ng volleyball star.

“Please send me the link to this post so we can investigate asap. We will not stand for this,” sabi ni Acero.

Pinabulaan din ng ilang personahe sa Premier Volleyball League (PVL) ang nasabing post.

Una munang lumabas ang isang post sa X na “JUST IN: Pumanaw na ang Volleyball Player ng Creamline Cool Smasher na si Alyssa “Phenom” Valdez sa edad na 31-anyos ngayong araw, Biyernes, Setyembre 14″.

Matapos sagutin ang isang fan sa X platform kung saan nagsimula rin ang naturang balita, agad na tinanggal ang post pati na rin sa Facebook group kung saan lumabas din ang balita.

Naglabas din ng kanilang pahayag ang One Sports at itinangging sa kanila nagmula ang pekeng balita.

“An anonymous post from a Facebook group recently circulated on social media, falsely claimed to be from One Sports and showed a malicious poster regarding volleyball player Alyssa Valdez,” pahayag nito.

“The link to the post was eventually edited, removing the One Sports label and only the graphic of Valdez remained.”

“This post is fake news. One Sports did not publish anything of the sort. This matter has also been cleared up with Valdez. We urge the public to avoid sharing misleading posts and to stop spreading false information,” sabi pa ng sports news agency.

Related Posts

Our Privacy policy

https://celebtoday24.com - © 2024 News